Showing posts with label elise. Show all posts
Showing posts with label elise. Show all posts
Wednesday, July 11, 2012
May Pag-asa Pa Ba Ang Pag-iibigang Tisoy at Elise? 07.11.12 Ep
Tayong lahat ay napatutok sa ating mga telebisyon ngayong gabi. Nasaksihan natin ang kanilang pagtakas at pagtanan. Napadpad sila sa isla, naghalikan. Ngunit natapos ang ating mga gabi na malungkot dahil tila mahuhuli nga sila at matatapos na ang kanilang pag-iibigan.
May pag-asa pa ba ang pag-iibigang Tisoy at Elise?
Ano sa tingin niyo ang mangyayari sa kanilang istorya? Mag iwan lamang ng komento...
Tuesday, July 10, 2012
Makikipagtanan Ka Ba? 07.10.12 Ep
Kung ikaw ang nasa posisyon ni Tisoy at Elise, makikipagtanan ka ba? Kung ikaw si Elise, iiwan mo ba ang marangya mong buhay para lamang sa pag-ibig sa murang edad?
Mag-iwan lang ng komento...
Monday, July 9, 2012
Pagtatanang Tisoy at Elise, Walang Atrasan
Wala nang atrasan ang pagtatanan nila Tisoy at Elise. Sa pangalawang pagkakataon, desidido na ang dalawa na gawin ang planong pagtanan. Mapipigilan pa kaya?
Makakatakas pang muli sina Tisoy (Alden Richards) at Elize (Louise delos Reyes), makakarating sila sa isla kung saan unang dinala ng binata ang dalaga. Doon ay mangangako ang dalawa sa isa’t-isa ng kanilang pagmamahal.
Haharapin naman ni Leila (Agot Isidro) si Dyna (Ana Capri) at aaminin na si Elize nga ang anak na ibinenta nito noon. Pagbabantaan ni Leila ang babae na wala dapat makaalam ng totoo.
Magiging mainit naman ang paghahanap nina Carlos (Raymond Bagatsing) kina Tisoy at Elize. At maging sina Mayor Henry (Bembol Roco) at Ellen (Jean Garcia) ay gagawin ang lahat para matagpuan ang magkasintahan.
Kabaliktaran ng pag-aalala ng kanilang mga mahal sa buhay, magiging matiwasay ang pagsasama nina Tisoy at Elize sa isla.
Pero nang makarating kay Carlos ang tungkol sa pagpapalaot ng dalawa, maiisip nito agad ang isla kung saan minsan nang dinala ni Tisoy si Elize. Hindi na mag-iisip ang lalaki at susugod na ito patungo sa isla—kung saan ay makakaharap niya ang anak at ang taong iniibig nito.
Ngunit hindi na muling papayag sina Tisoy at Elize na mapaghiwalay ni Carlos. Imbis na sumuko, tatakbo ang dalawa—at tatalon mula sa isang bangin!
Panoorin ang teaser para sa episode ngayong gabi.
Abangan nating lahat ngayong gabi!
Ang Pag-iibigang Tisoy at Elise
Tila Romeo and Juliet ni William Shakespeare ang kwento ni Tisoy at Elise. Maihahango din ito sa kwento ni Lynette at Isagani noon sa Villa Quintana ng GMA. Sa mga nangyayari sa kanila, ano nga ba ang tama at mali sa pag-ibig?
Saksi tayo sa pag-usbong ng pag-iibigang Tisoy at Elise sa mga nakaraang lingo. Ngunit, habang ako'y nanonood bilang isa ako sa mga sumusubaybay ng programang One True Love, ako'y napatanong kung kelan mali at tama ang mga ginagawa para sa pag-ibig.
Ang blog na ito ay magsisilbing forum site para sa mga fans nila Tisoy at Elise. Dito pag-uusapan natin ang ating mga opinyon sa mga ginagawa ng dalawa. Sana po ay bigyan niyo ng panahon upang mag-iwan ng komento araw-araw.
Maraming salamat po at patuloy tayong umibig.
Subscribe to:
Posts (Atom)


