Naalala niyo ba ang ginawa nila sa Glee sa Hollywood?
Pinalabas nila ang episode 1 pero hanggang doon lang. Pinaghintay pa ng network ng GLEE ng ilang buwan bago sinundan ito ng isa pang episode at pinagpatuloy na ito. Habang naghintay ang mga manonood, kumalat ito sa internet at naging usap-usapan. Ang paghihintay ay nagdulot ng magandang resulta sa ratings ng Glee.
Isipin niyo kung mangyari ito sa One True Love ng GMA 7? Sa palagay ko, eto ang dapat gawin para maging phenomenal ang One True Love.
Una, bukas sa Biernes dapat huling episode na ng One True Love para sa unang aklat. Sa Lunes, dapat ireplay mula simula tuwing umaga bago mag Kusina Master ang mga episodes. Paantayin ang mga manonood.
Hanggang sa matapos ang unang aklat sa umagang timeslot, saka ibalik sa primetime at simulan ang pangalawang aklat.
Isipin niyo lang? Magiging PHENOMENON ang ONE TRUE LOVE!
No comments:
Post a Comment